
I've always dreamed that someday he would fall for someone like me. Though I'm not the type of girl he would normally fall for...
And though there's a very slim chance that he would fall for me. I'm still very hopefully that someday he would feel the same way about me. May konting kirot sa puso ko kapag nakikita ko syang sweet sa ibang tao specially girls just like kanina. "Ouch!" Yan na lang ang sinasabi ko sa sarili ko. " Ilusyunada ka kasi. Wala kang karapatang masaktan."
Wala naman siguro masamang mangarap di ba. Pangarap lang naman.
Naalala ko pa noon halos sumuko na ako... "Ayoko na" sabi ko sa sarili ko. Tama na ang paghihintay... dahil mukha namang walang mangyayari.
Pero everytime na gusto ko ng mag give up at mag move on... yung memories namin together lagi kong naaalala. Namimiss ko na ang dati naming samahan.
I wanted to tell him how much he means to me.
Gusto ko sya tanungin kung may pag asa pa ba kami... pero natatakot ako. Ayokong isipin nya na pinepressure ko sya. Saka natatakot din ako malaman ang isasagot nya.
Hanggang ngayon panay pa rin ang tanong ko sa sarili ko hanggang kailan kaya ako maghihintay... Kakayanin ko kayang makita syang mapunta sa iba?
Oo pero alam ko masasaktan din ako. Pero kakayanin ko yun. Sa una lang naman masakit at mahirap pero alam ko kakayanin ko.
Sabi ko sa kanya noon sabihin nya sa akin kung wala na talaga. Maiintindihan ko nman sya eh.
Oo maiintindihan ko sya pero masasaktan pa rin ako.
Masasaktan...
Luluha...
Malulungkot...
Manghihinayang...

0 comments:
Post a Comment