Saturday, September 10, 2005

I Believe


MU (Mutual Understanding, Mag U, Mukhang Unggoy?). Kahit ano pa ang meaning nito iisa lang naman talaga ang ibig sabihin "parang kayo...pero hindi".
Ang labo noh? Complicated ba? Para sa akin hindi.
Masaya ang may Ka MU. Di man kayo officially pero you share nman a special bonding na almost close to being in a relationship minus the commitment.
Pero napakarisky din ang mainvolve sa ganitong klase ng "relationship". Pero kahit na risky masaya naman. Masaya ako na naeexpress ko ang feelings ko for my special someone. Ibang klase ang feeling kapag kasama ko sya. Masaya na ako na makasama sya kahit saglit lang sa bus o kahit na makatabi ko lang sa upuan.
I really like like gazing into his eyes. ^_^ I like the way his eyes lit up whenever he smiles. Naalala ko tuloy nung nagkita kami last monday ang ganda ganda talaga ng ngiti nya sa akin kahit pa puyat kami pareho hehe.
Para nga akong nasa Cloud 9 nun. Ang cute cute nga nya sa suot nyang polo shirt. Lalong na highlight ang pagkasingkit ng mga mata nya. Grabe ang cute nya ^_^.
Minsan naiisip ko itanong sa kanya kung ano masasabi nya sa outfit ko. Kung maganda ba. Bagay ba sa akin? Hayyy kaso nahihiya ako e. Kung alam lang nya I wore that outfit para magpaimpress sa kanya kaso parang walang dating e. Pero may nakapagsabi sa akin na tiningnan naman nya ako nung dumaan ako malapit sa kanila. ^_^ .(sayang di ko nakita ~_^)
Halos mag give up na rin ako noon dahil akala ko talaga wala na kaming pag asa na magkaayos pa. Ang hirap nga eh. Kahit na kung minsan nasasaktan ako kapag pakiramdam ko medyo cold sya tuloy pa rin ako. Still hoping that someday we might end up being together.
Naalala ko tuloy yung kanta ni Jimmy Bondoc na I Believe. Parang story namin. ^_^ Araw araw maghihintay ako. Naalala ko tuloy nung tinanong ko sya about "us". Kung meron pa bang possibility. Ang sabi nya meron naman daw. Ask ko pa sya kung what if sya ang nasa kalagayan ko what will he do. Ang sabi nya kung noon daw umasa sya sa crush nya kahit na walang pag asa ito pa kya daw na merong pag asa. ^_^
Yan ang ups and downs ng ganitong sitwasyon pero kahit na ano pa man ang mangyari di pa rin ako bibitaw hanggat meron pa akong nakikita at nararamdamang pag asa I will never give up on "US".



0 comments:

 

Copyright © 2008 Designed by SimplyWP | Made free by Scrapbooking Software | Bloggerized by Ipiet Notez | Distributed by Deluxe Templates