Sunday, September 11, 2005

Private Messages


Hayyy naalala ko tuloy noon panay ang exchange namin ng mga private messages hehe. Halos araw araw nag aabang ako na sana may ipadala syang message sa akin. Tapos agad agad naman akong nagrereply. Ang saya saya ko noon. Dahil din sa private messages na yan nasabi ko ang feelings ko for him.

"Kahit di mo maramdaman ang nararamdaman ko for you ok lang"

Ang drama ba? Pero yun ang nasabi ko sa kanya nun after revealing my true feelings for him. Oo tanggap ko rin na he doesn't feel the same way about me. Naalala ko pa nun gusto ko lumayo sa kanya dahil nahihirapan na ako. Pero he told me na I should stay.

And I stayed... Was it worth it? Yes! it was worth it.

Di ko pa rin alam ang conclusion ng story ko... story namin. Pero for me whatever happens I know lahat ng sacrifices will all be worth it ^_^.

Masaya ako na makita ko sya... makasabay paminsan minsan. Lalo na kapag nginitian nya ako... that's priceless ^_^

Kahit pa sabihin nilang mababa ang pay sa trabaho ko. Ok lang. Masaya pa ako. Darating din ang araw na aalis ako pero for now dito muna ako habang nakikita ko pa sya. Nakakasama. Sayang di yan maintindihan ng parents ko di ko rin pwede ipaintindi sa kanila.

Masaya ako yun lang ang alam ko. Unrealistic ba? Medyo. Pero darating din ang araw na magpupursue din ako ng ibang career and hopefully sa ibang bansa pero sa ngayon dito muna ako.



0 comments:

 

Copyright © 2008 Designed by SimplyWP | Made free by Scrapbooking Software | Bloggerized by Ipiet Notez | Distributed by Deluxe Templates