
Year 2006 na. Looking back sa year 2005, masasabi kong naging makulay ang taong yun para sa akin. Napakarami na ng mga nangyari. May masaya...may malungkot pero sa kabila ng lahat tuloy pa rin ang buhay para sa akin.
Minsan naiisip ko na sana mabigyan ako ng chance na makita ang future ko. Parang katulad sa pelikulang 13 going 30 or sa back to the future. Pero syempre wala ng thrill kapag nakita ko na diba. For curiousity's sake lang naman kaya gusto ko malaman kung ano meron sa future.
Natatakot kasi ako na baka puro kalungkutan lang ang future ko. Ang totoo nyan natatakot ako mabuhay ng mag isa. Kaya medyo pinaghahandaan ko na ang future ko. Ang sabi ko sa sarili ko kapag wala akong mabubuong pamilya balang araw, mag aalaga na lang ako ng orchids at aso para may kasama ako kahit na papaano and later on kapag established na ang buhay ko saka na lang ako mag aampon ng bata na aalagaan ko syempre yung baby pa lang ang aampunin ko para nman maranasan ko kung paano mag alaga ng baby kahit na di sa akin galing.
Madami rin ako hiniling noon kay Lord. Kadalasan ibinibigay nman nya. Pero minsan naiisip ko tama ba ang mga hiniling ko? Did I make the right decision? Ang alam ko lang when I made those decisions pinag isipan ko rin yun ng mabuti.
Mabuti pa si Gabo nakuha na nya ang gift na gusto nya. Ako kaya kailan? Minsan kapag naaalala ko ang mga nangyari sa akin di ko mapigil ang pagpatak ng mga luha ko. Nawawalan na ako ng pag asa. Ewan ko ba. Ngayon pa lang naiiyak na naman ako.
Alam ko di ako perpektong tao. Di rin naman ako masama. Marunong naman ako magmahal kahit nga walang kapalit ok lang basta napapasaya ko yung taong minamahal ko. Kaso laging palpak eh. Sablay. Siguro nga masyado akong naging serious sa mga past relationships ko. Kaya lang nman ako ganun kasi I want my relationships to last for a lifetime or even forever. Hayy ang buhay nga nman.
Di bale baka ngayong 2006 swertihin ako di man sa lovelife baka sa career. Pagbubutihin ko na lang ang trabaho ko para balang araw maabot ko rin ang ambitions ko.
Ang Pag-ibig Kong Ito
Moonstar 88
Umiiyak ang aking pusong nagdurusa
'yan ay ayaw kong may makakita
Kahit anong sakit ang aking naranasan
'yan ay ayaw kong kanyang malaman
Refrain
Mga araw na nagdaan
Kailan ma'y hindi malilimutan
Kay tamis na araw ng pagmamahalan
Ang akala ko'y walang hangganan
Chorus
Ang pag-ibig kong ito
Luha ang tanging nakamit buhat sa'yo
Kaya't sa maykapal tuwina'y dalangin ko
Sana'y...
[repeat all]
...kapalaran ko ay magbago
[repeat refrain]