Nagmamadali akong sumakay ng MRT para makahabol sa NBI sa may Carriedo. First time ko pupunta sa lugar na yun. Magkahalong kaba at excitement ang nafifeel ko. Kaba kasi first time ko saka natatakot ako dahil di ko nman kabisado yung lugar.
Pagbaba ko ng MRT Taft Station lumipat agad ako sa LRT Station Pagbaba ko ng LRT Station Carriedo dahan dahan akong bumaba ng hagdan. Palinga linga pa ako sa paligid. Kinakabahan na baka may biglang humablot ng bag ko.
Piling tao lang ang tinanungan ko for directions. Sa wakas nakarating na rin ako sa NBI Carriedo.
Grabe di ko makakalimutan yun. Pakiramdam ko nung araw na yun para akong taga province na bagogn salta ng Manila.
Atleast ngayon alam ko na ang itsura ng Carriedo...
0 comments:
Post a Comment