
We don't accomplish anything in this world alone ... and whatever happens is the result of the whole tapestry of one's life and all the weavings of individual threads from one to another that creates something. - www.wisdomquotes.com
Hayyy... ewan ko ba halos lahat ng presentation sa office sinasalihan ko. Ewan ko ba dun sa iba di nman sumasali. Sabi nga nung isa kong ka-group "napagkaisahan ka na naman ng mga kasama mo". Lagi naman e. Ayaw ko ng pilitin kung ayaw nila. Ang mahalaga may nagawa akong presentation para sa group namin. At least di kami lalabas na walang ginawa.
Nakakalungkot na iilan lang ang gusto magparticipate. Pero ganyan talaga ang buhay.
Sana nga maayos namin maipresent yung number namin tommorow.
Kanina Christmas party namin. After the party diretso agad ng office. Kwentuhan sa mga naging happenings sa party. Then may isang nagstart mang asar sa akin about the "exchange gift incident". Kesyo gusto ko rin nman daw kaya ako di umaalis sa harapan. Kesyo di ko daw naaappreciate ang paghanga daw nung tao. Ibinalik ko sa kanya ang tanong. "Ikaw ba maaappreciate mo yun." "Grabe ka naman" (di pa nga ako tapos mag salita e nagbigay agad ng reaction). "May gf na kya yung tao. E kung malaman yun ng gf nya. "
Ang gusto ko i-point out sa kanya, ayoko lang ng ganun na tinutukso sa may gf na o committed na guy. Ayoko kasing may masabi ang ibang tao. Lalo na kapag nakarating pa yan sa gf nya. Ayoko ng gulo. Ewan ko lang kung nakuha nila yung point ko.
Nakakafrustrate lang talaga.
0 comments:
Post a Comment