Thursday, December 15, 2005

Frustrations




Hayyy... ewan ko ba halos lahat ng presentation sa office sinasalihan ko. Ewan ko ba dun sa iba di nman sumasali. Sabi nga nung isa kong ka-group "napagkaisahan ka na naman ng mga kasama mo". Lagi naman e. Ayaw ko ng pilitin kung ayaw nila. Ang mahalaga may nagawa akong presentation para sa group namin. At least di kami lalabas na walang ginawa.
Nakakalungkot na iilan lang ang gusto magparticipate. Pero ganyan talaga ang buhay.
Sana nga maayos namin maipresent yung number namin tommorow.
Kanina Christmas party namin. After the party diretso agad ng office. Kwentuhan sa mga naging happenings sa party. Then may isang nagstart mang asar sa akin about the "exchange gift incident". Kesyo gusto ko rin nman daw kaya ako di umaalis sa harapan. Kesyo di ko daw naaappreciate ang paghanga daw nung tao. Ibinalik ko sa kanya ang tanong. "Ikaw ba maaappreciate mo yun." "Grabe ka naman" (di pa nga ako tapos mag salita e nagbigay agad ng reaction). "May gf na kya yung tao. E kung malaman yun ng gf nya. "
Ang gusto ko i-point out sa kanya, ayoko lang ng ganun na tinutukso sa may gf na o committed na guy. Ayoko kasing may masabi ang ibang tao. Lalo na kapag nakarating pa yan sa gf nya. Ayoko ng gulo. Ewan ko lang kung nakuha nila yung point ko.
Nakakafrustrate lang talaga.

Thursday, December 08, 2005

Quotes to Ponder On


"Have patience with everything that remains unsolved in your heart. Try to love the questions themselves, like locked rooms and like books written in a foreign language. Do not now look for the answers. They cannot now be given to you because you could not live them. It is a question of experiencing everything. At present you need to live the question. Perhaps you will gradually, without even noticing it, find yourself experiencing the answer, some distant day. "
Letters to a Young Poet


I've been asking myself the same old questions...ending up with same old answers... All these years I've been having a hard time dealing with these answers. Answers that might have saved my failed relationships. I keep on praying that someday I would finally meet the one.
Malapit na ang pasko. Ito na naman ang second time na magcecelebrate ako ng pasko ... a few months after a failed relationship.
Minsan naiisip ko siguro di pa pinapanganak yung guy na meant for me. Yung guy na kayang sakyan ang mood swings ko, yung attitude ko at higit sa lahat yung family ko.
4 years pa bago ko mareach ang deciding age ko to settle down or not. Mahaba pa ang panahon madami pa ang possibleng mangyari.
I'll just hope for the best...

Sunday, December 04, 2005

Getting Ready for Christmas


Christmas is fast approaching. I've already finished putting up our Christmas decorations. I'm almost through with my Christmas Shopping list. ^_^

I'm so excited to give all my friends their gifts. I just hope they'll like it. Gift giving is quite costly especially now na marami ako bibigyan. Mas malaki pa ata ang nagatos ko for others than for myself pero masaya naman ako.

Makita ko lang silang nakasmile sa pag abot ko ng gift ko sa kanila ok na yun. Masaya na ako.

Sa kanila ko lang nakukuha ang happiness na hinahanap ko. Yung emptiness na nararamdaman ko nawawala kapag nakita ko na silang nakasmile.

I sure wish maging masaya ang Christmas ko this year.
 

Copyright © 2008 Designed by SimplyWP | Made free by Scrapbooking Software | Bloggerized by Ipiet Notez | Distributed by Deluxe Templates